Bago matapos ang araw
mga mata’y iyong idilat
at nang iyong matanaw
na hindi ibibigay ng mundo ang lahat ng iyong gusto
kailangan mong kunin ito;
na walang magbibigay ng nararapat sayo
kailangan mong ipaglaban ito;
na walang ibang may pangarap ng pangarap mo,
walang magdadalawang-isip
na sa iba’y ito’y ipagkaloob;
kaya kung ito’y totoong mahalaga para sa iyo
harapin mo, ipaglaban mo, gawin mo.
Bago mo tapusin ang gabi
ipikit ang iyong mga mata
at turuan ang sarili
na hindi dahil sa lagi mo siyang kasama
ay siya ay totoong kaibigan mo na;
ang totoong pagkakaibigan ay hindi basta-basta
hindi ito gaya ng iyong iniisip;
ang mga katotohanang tulad nito
ay sadyang mapait
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento