2006
“Saan mo gustong matulog mamayang gabi, John?” Tanong ng prinsipal.
“Kahit saan po, sir. Wag lang dito.” Sagot ng mag-aaral na pride ng eskwelahan kung ituring.
Magaling na photojournalist si John. Kaya naman kahit hindi SLR ang gamit niyang camera, nakaabot siya sa sa National Level ng sinalihan niyang contest. Ngayon ay nasa isang tila liblib na parte sila ng Pilipinas para sa contest na iyon. Ito yung bahagi ng paligsahan kung saan mga isang linggo silang mamamalagi sa lugar na di nila lubusang kilala. At ang tulugan nila ay mga sira-sirang silid-aralan sa isang paaralang elementarya lamang.
“Sige, may nakita ako kaninang parang 5-star hotel sa may bayan. Iche-check-in na lang kita dun.”
Nagulat si John. Ang alam niya kasi’y hindi naman sapat ang allowance na binaon nila para magcheck-in pa sa isang hotel. Medyo may kahirapan kasi ang school nila. Laging kulang sa pondo para makabuo ng maayos na proyekto. Sabi ng trainor niya, halos sakto pamasahe lang ang binigay na allowance sa kanila. Tapos ngayon, iche-check-in pa siya ng prinsipal sa isang hotel?
“Pera ko na lang ang gamitin natin.”
“Paano po si Ma’am?”
“Mayaman iyon. Mag-check in din siya kung gusto niya.”
Ang astig naman pala ng prinsipal nila. Manlilibre ng check-in sa hotel. Mayaman siguro.
2007
Ang grupo nila Wendy a yada ang may pinaka-kawawang estado sa Special Art Section na pinauso sa school nila. Lahat kasi ng ibang art specialization classes, may kanya-kanyang classroom na gagamitin. Pero silang nag-aaral ng Malikhaing Pagsulat, walang permanenteng classroom. Nakikihati lang sila sa Journalism Room. At kapag abala na ang editorial staff sa pagbuo ng school paper nila, pinapalayas sila sa Journ Room. Ayaw daw nila ng istorbo.
Kung saan-saan sila nagka-klase. Minsan na nilang naranasang magklase sa quadrangle. May isang pagkakataon naman na sa canteen nagklase. Minsan pa ay sa faculty room. Minsan nama’y sa PTA Office. Pero pinakamadalas ay sa mga pasilyo sila nagka-klase. Naitanong tuloy ni Wendy sa isip niya, nakatutulong ba ang kawalan namin ng permanenteng classroom para makabuo kami ng isang magandang akda? Madalas pa ay wala rin silang upuan habang nagsusulat. Kung hindi nakatayo, nakasalampak naman sila sa sahig.
Pero ang di malilimutang klase ni Wendy ay yung araw na sa loob sila ng Principal’s Office nagklase.
Maganda ang Opisina ng kanilang prinsipal. De-aircon. Mabango. Malambot ang sofa. May sariling kusina. May sariling malaking flat screen na TV. Hindi akalain ni Wendy na may ganito palang kagandang silid sa loob ng eskwelahan nila. Paglabas kasi ng Principal’s Office, sira-sirang classrooms na may sira-sirang ceiling fans, at sira-sirang upuan ang makikita mo sa bawat building. Feeling niya nung nasa loob siya nito, nasa bahay siya ng isang mayamang tao. No wonder, naisip ni Wendy, kaiinggitan talaga ng ibang mga guro ang mga gurong malalapit sa principal; hindi kasi sila libreng makakatambay sa ganito kagandang lugar.
“Dito na tayo magklase habang di pa nakakabalik ang prinsipal,” anunsyo ng guro nila sa Malikhaing Pagsulat.
Ayos to, naisip muli ni Wendy, kahit dalawang linggo lang. Magiging mas maganda ang room namin kesa sa ibang art classes.
2008
“Libre ko na Coke niyo tuwing training!” pagmamayabang ni Sir Arceo sa kanila.
“Asus! Parang ang yaman niyo Sir, ah!” biro ni Jana kay Sir Arceo.
“Ganun talaga. Marami naman akong pagkukunan ng pera e!”
“Sige, sir. Tuwing meryenda ha,” sabi naman ni Aljur. Nanahimik lang si Harold.
Sina Jana, Aljur, at Harold ang tinuturing na pinakamatatalinong estudyante ng eskwelahan sa batch nila. Masisipag mag-aral, hindi mabarkada, palabasa, at teacher’s pet ng lahat ng guro. Sila rin ang pambato ng school sa mga academic contests, lalo na sa Math. At lagi naman silang may naiuuwing awards. Kaya siguro gusto silang i-pamper ni Sir Arceo, ang bookkeeper ng eskwelahan nila.
Sino nga bang estudyanteng hirap magtraining ang hindi matutuwa kung araw-araw may pa-Coke, di ba?
Pero ang mismong trainor nila Jana, Aljur, at Harold, hindi natutuwa. Alam niya ang kalokohan ni Sir Arceo. Alam na alam niya.
2009
“Lagi na lang tayong iniiwan ni Licao!” reklamo ni Jed, isa sa mga estudyanteng nagmana sa trono nina Jana, Aljur, at Harold. Hinihintay nila ang trainor nilang si Mrs. Licao sa Administration Building. May kinausap pa kasi si Mrs. Licao na co-teacher niya.
思i ka na nasanay Jed,” natatawang sagot ni Mads, ang running valedictorian sa batch nila.
“Tawa ka dyan. Buti lang sa inyo kasi di naman kayo ang pinagbubuhat niya ng mabibigat niyang bag!” asar na si Jed.
Lakas ng tawa nila Mads at Beth. Malinaw na pinagti-tripan nila ang ‘pagkalalaki’ ni Jed.
“Jed, pakibuhat na rin ang bag ko, o. Tutal ballpen lang naman ang laman nyang bag mo,” pang-aasar pa ni Beth. Pagdating sa Math, pumapangalawa si Beth sa talinong taglay ni Jed. Pero pagdating sa ibang asignatura, daig ni Beth si Jed.
“Utut mu! Bigat din kaya yang bag mo. Dala mo ata ang buong bahat mo dyan e. Parang araw-araw ka na lang naglalayas.”
“Di naman, libro ang dala ko, hindi ref. Di katulad nito ni Mads. Kahit nagkaklase, kumakain.”
Kung titingnan mo silang tatlo sa malayo, para silang mga nagka-cutting classes. At pag nakilala mo sialng maigi, hindi mo aakalain na sila ang mga estudyanteng pambato ng eskwelahan pagdating sa patalinuhan. Si Jed kasi yung tipo ng estudyanteng papasok lamang para may baon, na ipangdo-Dota niya bago umuwi. Si Mads yung estudyanteng maraming ka-barkada, mahilig magpaganda, at mahilig mag-party. Si Beth naman yung estudyanteng pumapasok lang para makiuso, para di matawag na drop-out, at nagdadala ng libro sa lahat ng subjects para magpabibo sa recitation, pero hindi naman talaga niya binabasa. Diskarte, at hindi talino, ang panlaban nilang tatlo sa klase. Tapos ngayon pa nasa labas sila ng classroom kahit oras ng klase. Ayaw nilang magklase e. At ginagamit nila ang Math training na excuse para hindi magklase. Kahit na mas marami pa ang tambay moments nila kesa sa training. Malayong-malayo ang mga katangian nila dun sa trio na pinagmanahan nila ng trono ng pagiging mahusay na sipnayista.
“Sinong hinihintay niyo?” Si Sir Arceo. Dito kasi siya sa Admin Building madals makikita.
“Si Ma’am Licao po.” Sagot ni Mads, bilang siya lang naman ang ka-close ni Sir Arceo sa kanilang tatlo.
“Ang sipag-sipag naman nito ni Mads mag-aral. Balita ko ikaw daw ang valed ng batch niyo ha.”
“Di naman po, sir.”
“Pa-humble ka naman masyado. Anong gusto mong regalo? I-pod? Cellphone?”
“Magkano ba budget mo sir?” sakay ni Mads sa akala niyang biro ni Sir Arceo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento