Yak! Japayuki nanay! Yak!"Nay, masama po ba ang Japayuki?"
"Hindi anak. Marangal na trabaho ang pagja-Japan."
Uy, alam mo ba yang si Kram, ke bata-bata e, nagdo-droga na."Hindi nga ako nagdo-droga e!!!"
"Tinatanong lang kita, anak. Sabi kasi ng kapitbahay..."
"Mas naniniwala ka naman sa kanila?"
Tara Kram! Sa dating lugar..."Nay, pahingim pera."
"Wala akong pera ngayon, Kram..."
"Walang pera??? Japayuki walang pera???"
"Bastos kang bata ka!!!"
Kawawa naman ang ina ng batang iyan..."Ano bang mali sa pagpapalaki ko sa iyo? Halos lahat na nga ng luho mo, binibigay ko ah..."
"Lagi kang nasa Japan! Mas mahal mo pa ang mga Hapon kesa sa kin."
"Anak... para sa iyo naman ang pagja-Japan ko..."
"PUTA! Para sa kin, para sa kin! Wag mo akong utuin! Alam kong sawsawan ka na ng lahat ng mga lalaking Hapon doon! Ano ang para sa akin dun? Kahihiyan? Kahihiyan na may nanay akong pokpok sa Japan?"
"Sinong nagsabi sa iyo niyan?"
"Tanong mo dyan sa kapitbahay!"
"W-wala kang kwentang anak!!!"
"Wala ka ring kwentang ina!"
Hoy, Kram! Dalhin mo ito kay Bobong ha. Dun sa may malaking bahay."Wala akong ibinawas maski isang butil dyan!"
"Siraulo pala itong gagong ito e!"
"Wala nga ak---"
"Tumahimik ka gago! Babawasan mo pa'ng mga bato ko ha? ULUL! Isang putok lang sa sentido ang katapat ng mga madupang na tulad mo, gago!"
Ay naku! Baka yung balitang drug lord ang nakatapat niyan..."Kram!! Anak ko... anak ko..."
"Misis..."
"Tsip... ang anak ko... sinong gumawa nito sa anak ko..."
wow.. ang galing ng flow ng kwento.. tapos astig yung tema.. galing..
TumugonBurahinaww, salamat po sa pagbasa ser.
TumugonBurahin