Sa paglipas ng panahon, maraming nagbabago.Hindi mo iyan dapat sabihin sa iyong sarili.
Ang buhay ko? Parang lalong lumalabo.
Nagkamali ako---pagkakamaling walang kapatawaran
ako'y tila walang kaibigan, walang kaligayahan.
Balang araw, makakatagpo ka rin ng tatanggap sa iyo
yun bang tipong tutulungan kang harapin ang bawat pagkakamali mo
yun bang magiging tunay na kaibigan mo.
Kung sa tingin mo'y walang tatanggap sa iyo nang buo
at kaligayahan sa iyo'y tila isang malayong tala,
bakit di ka muna malamin?
Baka naman ang problema'y nasa iyo rin.
Maraming beses na akong nagbabalik-tanaw.Pagmamahal at pagtanggap ang iyong kailangan
Pamilya't mga kaibigan ko'y tila mga estranghero.
Madalas kong balakin na kitlin ang musika ng buhay ko
dahil tila naman hindi na nakakasundo ang mga tono nito.
upang ang iyong pagkatao'y magkamit ng kalayaan.
Ang nangyayari sa iyo'y di isang sumpa.
Mga pagsubok sa buhay mo'y 'wag nang palalain pa.
Ang buhay ng tao'y isang awitin
Kailangan ng pagbabago sa nota't himig
At tulad ng musika'y kahit hindi natin gustong marinig
ito'y tutugtog at tutugtog pa rin.
another music enthusiast here.. fist bump! hehehe
TumugonBurahin