"E si Jomar, nakakausap mo pa ba?"
"Hindi na rin."
"O bakit? Hija naman, Dapat, yang mga kapitbahay natin, yan ang mga kaibigan mo. Hindi ka na yata lumalabas ng bahay ah."
"Wala naman kasi akong oras mangapitbahay."
***
"Tang-ina pre! Walang kukuha ng bente mil dito!"
"Oo gago, Jomar. Mga dose mil lang yan."
"Tang-ina, ganumba?"
"E bakit mo ba kasi ibebenta yang motor mo?"
"Panggastos sana sa bahay. Saka pang-enroll ko na rin sana pre. E wag na lang..."
***
"Aba! Bigtime na sina Alvin ngayon a! De-kotse na ang mokong!"
"Kaya nga panay-panay ang painit sa makina ng auto nila e. Hahahaha!"
"Oi, gago, pre. Di ba yun yung kapatid ni Alvin?"
"San? Yung naglalakad?"
"Oo, pre. Tang-ina, sayang yang babaeng yan. Kung anong ikinagala ng kuya niya e siyang naman ikina-nerd niyan."
"Si Beth? Di naman siya mukhang nerd a."
"Lul! May taga-Peyups bang di nerd. Hahahaha!"
"Malay mo. Chikas nga yan e."
"Oi, Jomar, baka iba na yan a! Hahahaha!"
"In love yata tong mokong na to e!"
"Gagu!"
***
Ang init naman. Makapagpayong nga.
*Beep. Beep.*
"Oi Beth! Angkas ka na!"
"Ha? Wag na. Salamat. Lalakad na lang ako."
"Sige na, angkas na. Ito, nahiya pa. Magkatabi lang naman bahay natin e."
Sa totoo lang, hindi ako marunong umangkas. "S-sige."
"Bakit di ka sinundo ng tatay mo?"
"May ginagawa daw siya e." Saan ba dito kakapit?
"Sayang auto niyo pag ganun, nasa garahe lang palagi."
"Oo nga e." Saan ba kakapit?
"Kapit ka na lang ha... sa balikat ko."
"E..."
Nakakahiya... Lumapad na'ng balikat nito ni Jomar a. Parang dati lang mukha siyang tingting. Epekto kaya ng paggy-gym niya to? Kung sinipag din siguro si kuya mag-gym baka malaki-laki na din ang katawan nun. Saka... maayos na pala ang gupit nito ni Jomar. Di na siya mukhang palaboy, di katulad nung long hair pa siya. Saka... kung di ako namali ng dinig, parang lumalim yata ang boses niya.. Masarap nang pakinggan. Di na siya tunog kulisap. Saka...
"Uy, Beth, nakikinig ka ba?
"Ha? Oo.. oo."
"A... e... ano sa tingin mo?"
Ano daw? "Ok lang. Ok lang."
"O sige... Dito na tayo."
"Sige, salamat ha."
"Wala yun. Sige. Text na lang ako ha. A... ano pala number mo?
***
Yung dalawang yun. Makikiparty sa kabila, di man lang nag-iwan ng ulam.
Haay! Kapagod sa eskwela. Kakain pa ba ako o matutulog na?
Calling...
0915*******
1 missed call
Sino naman ito?
1 message received
From: 0915*******
beth tagal u. wer u?
E? Sino to?
To: 0915*******
Do I know you?
From: 0915*******
jomar 2. D b u pu2nta?
To: 0915*******
Ay Sorry. Pupunta saan?
From: 0915*******
D b my lkd tau? limut m b?
To: 0915*******
Ha? Kelan mo sinabi?
From: 0915*******
nung umngks k.
Aish. Yun yata yung di ko narinig!
To: 0915*******
Punta ko. Sorry, akala ko bukas pa. Saan na nga uli?
From: 0915*******
sm nlng. s my jabee.
To: 0915*******
Sige. Wait lang. Papunta na ako.
***
"Awts. May pinaghintay akong gwapo."
"Hehe."
"Sorry talaga ha. Nalimutan ko kasi ang dami kong inaasikaso sa school e."
"Ok lang. Anong gusto mo?"
"Libre mo ba?"
"Pwede rin."
"Ayiee! Sige yung Yum, saka fries na large."
"..."
"Ang gwapo naman ng financier ko."
"Bakit may manliligaw bang hindi magpapagwapo?"
"H-ha?"
"Sabi ko, may manliligaw bang hindi magpapagwapo?"
"Ayiee. Ang swerte naman pala ng nililigawan mo kung magpapagwapo ka para lang sa kanya."
"Ang swerte mo."
"Ha?"
"Hay! Naturingan kang taga-UP, tapos ang slow mo?"
"..."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento