Damhin ang bukirin ng nakaraan
Gumapang ka’t libutin ang mundo
Bayaan ang magulong buhay na dulot ng kawalang-malay
Habang may umaga pa’t gabi, habang tinatahak ang malupit na daan.
Mga nagbabantang kumpisal ng buhay,
nakalalasong pagkakagulo-gulong tumatatak sa inosente mong kaisipan.
Wag mong piliting intindihin ang nakapagpapasakit na mga bagay
O magiging balidosa ka lamang.
Magpakabihasa sa pagdaig sa mga nakalalasong kumpisal
Ipagpalagay na ika’y laging sasagot ng isang bugtungan
Para makamit ang kaunlarang matagal mo nang ninanais.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento