Mga Pahina

Sabado, Setyembre 10, 2011

Ako'y turuan mo


Ako'y turuan mong makalimot
sa lahat ng ating pinagsamahan
pagkat takot akong magising
sa katotohanang di ka magiging akin
dahil siya ang iyong iniibig.


Ako'y turuan mong huwag ka nang isipin;
turuan mo akong huwag ka nang pangarapin;
turuan mo akong limutin ang mga dati nating pinangarap
dahil ika'y di na magiging akin
dahil siya ang iyong iniibig.


Ako'y turuan mong huwag nang alalahanin
na minsan kang sa aki'y nagbigay-ngiti
na minsan kang nariyan para sa akin
pagkat alam ko, anumang oras ika'y lilisan
at aalis nang walang paalam.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento