Mga Pahina

Linggo, Setyembre 11, 2011

Isang lukot na papel ang ipinasa kay Anrie.

Hi miss. pwede manligaw?


Nagpalinga-linga si Anrie, naghanap ng pahiging ng kung sino ang nagsulat niyon. Ngunit halos lahat ng nasa klase ay nakayuko na, abala sa pagsagot sa pagsusulit. Nilukot na lamang muli ni Anrie ang papel na iyon, inilagay sa kanyang bulsa, at muling itinuon ang atensyon sa kanyang sagutang papel.

Guminhawa ang pakiramdam ni Anrie nang matapos na ang pagsusulit. Tila panatag na siyang magiging maayos ang kahahantungan ng ilang gabi niyang pagsusunog ng kilay.

Nakapa niya sa kanyang bulsa ang nilukot na papel kanina. Hi miss. pwede manligaw? Hindi lubos maisip ni Anrie na merong magsusulat sa kaniya ng ganito. Hindi naman siya yung tipong pang-lakambini ang ganda. O baka naman, namali lamang ng bigay. Tinapon ni Anrie ang papel at dumeretso siya sa kanyang locker.

Nang buksan niya ang kanyang locker, nakita niya roon ang isang pulang rosas, sa tangkay nito ay may nakasabit na isang card.

Akin ka na lang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento