Hindi ko naman ginustong maging ispesyal sa iyo
o kaya'y ang maging tinatangi mo.
Ang gusto ko lang ay ang malaman mong
Naririto lang ako sa tabi mo.
Ako'y iyo nang nasaktan,
mundo ko'y iyong pinaglaruan.
Sinira mo ang takbo ng aking buhay,
lason ang sa puso ko'y iyong nilagay.
Sa kabila ng iyong ginawa
puso ko'y bihag mo pa.
Kahit na ako'y iiwan mo na
Pag-ibig ko sa iyo'y di mawawala.
Huwag ka nang mag-alala
pagkat pakakawalan na kita.
Kung ikaw nga ay lilisa't ako'y iiwanan
humayo ka lang, kahit mahal pa rin kita.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento