Mga Pahina

Linggo, Setyembre 11, 2011

Principal na siya? Hmm...


Loko-lokong siga pala talaga ako nung elementary.

Ka-chat ko kanina yung mga makukulit pero astig kong batchmates nung elem. Mantakin mong naalala pa nung mga kinumpisan ko ng sipa ang panggugulpi ko sa kanila para lang ma-ireport sila sa kani-kanilang advisers? Haha. Tapos yung sipang nakumpis ko, ibinibigay ko dun sa crush ko dati, para siya naman ang may libreng sipa na lalaruin pagkatapos ng klase.

Tapos eto pa. Sa room namin nung Grade 6, mahilig kaming mag-Spirit of the yada yada. Basta kung anong sh--- na bagay lang ang mapagtripan naming gamitin makatawag lang ng mga espirito kuno (lalo pa't hype na hype ang mga tao sa school noon sa TV program na Nginiiiig at sa librong Philippine Ghost Stories). One time, kakatapos lang ng exams, nag-Spirit of the ballpen kami (yeah, alam ko ang lame). Tapos biglang may lumabas na anino dun sa may pintuan ng CR namin. Nung binilang namin kung ilan kaming nasa loob ng room, napansin naming sobra ng isa yung mga anino. At nagsimula na ang takutan.

Isa sa mga biktima ng takutan yung Best in Math namin noon. Nung may Saturday training kami sa journalism, kinulong namin siya sa loob ng room sabay tinakbuhan namin siya. Kawawang bata. Nangawa siya sa kakaiyak. Ang pasimuno? Ako lang naman.

Biktima rin yung isa naming kaklase na may crush dun sa valedictorian namin. Kasi paniwalang-paniwala siya na may multo nga dun sa room ng Grade 1. Ayun, pumunta siya mag-isa dun isang araw na walang pasok. Pinagalitan ng guard.

Pero kung may isa man akong pinakakinatatakutan sa mababang paaralan na iyon, yun ay yung halimaw sa loob ng faculty ng Grade 6. Isa siyang matabang halimaw na mahilig manggoyo ng mga estudyante. Malas lang namin, dahil isa ang klase namin sa mga nagoyo niya.

Siningil niya kami noon ng tigbebente singko pesos bawat isa para daw sa isang proyekto namin sa asignaturang EPP. Dahil likas sa aming klase ang maging gahaman sa mataas na grado, unahan kami sa pagbayad sa nasabing proyekto. Hanggang ngayong kolehiyo na kaming lahat na magkakaklase, hindi pa rin niya naibibigay ang proyektong iyon.

Isa pang panggogoyo niya sa amin ay ang pagdudoktor niya. Dinuktor niya ang mga grado namin para lamang personalin ang mga estudyanteng ayaw sa kanya, at para na rin paangatin yung estudyanteng paborito niya.

Yung halimaw na iyon ay yung adviser namin.

Binatukan ko nga yon ng isang beses e. Pero masyado yatang mahina ang pagkakakbatok ko sa kanya. Hindi ko kasi nagapi sa pamamagitan ng pamamatok na iyon ang pangungurakot niya.

Tapos ngayon ay principal na siya ng paaralang iyon.

Nakakatakot...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento