Samu't sariling laro ng mga salita. May tula, may kwento, may hindi mawari kung ano. Mga salitang di-napigilang kumawala mula sa may-akdang pinilit ang sariling maging makata.
Linggo, Setyembre 11, 2011
Gitara
Nagsimula na ang pagluha
ng gitara.
Ang kalis ng nagdaang araw
ay nasira na.
Wala nang katuturan
kung ito'y patatahimikin pa.
Musikang handog nito'y
wala nang katapusan.
Ang pagluha nito'y
paulit-ulit
habang ang hangi'y umiihip,
habang ang karagata'y umaalon.
Hindi na ito mapipigil.
Lumuluha ito
para sa mga humayo't lumisan.
Musika nito'y tila
palasong walang asintahan,
tila gabing walang umaga,
tila isa ibong walang buhay.
Gitara,
puso'y iyong sinugatan
Gamit ang lima mong punyal.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento