Sabay ang ating pag-indak
na puno ng pag-uulayaw
sa aking panaginip.
Wala tayong iniindang sakit,
Tayo'y sumayaw, umikot, lumundag
nang sabay
nang hindi pansin
mundo sa paligid natin.
Ang gabi'y sa atin
tayo'y nagsayaw.
Sa aking panaginip,
tayo'y puno ng pag-uulayaw.
Sana'y magkatotoo. Sana.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento