Mga Pahina

Linggo, Setyembre 11, 2011

Isang romansa


Hayaan mo akong ihayag
ang isang istorya ng romansa
pagmamahalang naganap
sa pagitan ng isang binata't isang dilag.
Buksan mo ang iyong imahinasyon
isiping ikaw ang binatang tinuran
at ako naman ang babaeng iyong minamahal.
Ako'y ang iyong prinsesa
Ikaw ang aking kaharian
at ang ating pagmamahala'y
susuklob sa ating mga katawang
tumatakas sa mapait na mundo.
Pagsasaluhan natin
ang init ng pagmamahalan.
Magkasama nating lasapin
init, tamis ng ating pag-ibig.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento