Mga Pahina

Linggo, Setyembre 11, 2011

Ang iyong kundiman


Ang sabi mo
musika mo'y
walang katapusan.

Ang sabi mo
musika mo'y
walang katahimikan.

Ang sabi ko
ang katapusan ng aking musika'y
walang pinagmulan.

Ang sabi ko
natapos ang aking musika
nang ang sa iyo'y nagsimula.
Natatapos ang aking musika
kapag ang sa iyo'y nagsisimula.
Matatapos ang aking musika
kapag ang sa iyo''y magsisimula.

Ang puso mo'y umaawit na
ng kundimang walang hanggan
kasiyahan ang sa iyo
habang ang awit ko'y
natapos na
bago pa ko pa masimulan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento