Samu't sariling laro ng mga salita. May tula, may kwento, may hindi mawari kung ano. Mga salitang di-napigilang kumawala mula sa may-akdang pinilit ang sariling maging makata.
Sabado, Setyembre 10, 2011
Dating Kaibigan
Ang pagmamahal ay pakikipagkaibigan
Ang pakikipagkaibigan ay nangangailangan ng pagmamahal.
Sa ngayon hindi ko masasabing
tayo'y nga'y mananatiling magkaibigan.
Walang nagmamahal nang walang kapalit
Dahil ang pusong nagmamahal, hiling ay kahit kaunting atensyon;
Hanggang ngayo'y mahal pa rin kita, kaibigan
kahit pa sa aki'y wala kang pagmamahal.
Noon
Wala akong naaninag na kahit kaunting panlilinlang
Naniwala akong totoo ka,
Ngunit ito'y panaginip lang pala.
Imahe ka ng isang mabuting kaibigan...
Oo, ika'y imahe lamang.
Sinubukan kong magsaya kasama ka.
Sinubukan kong damhin ang iyong kalungkutan.
Sinubukan kong lapitan ka.
Pero hindi mo ako pinahintulutan.
Ngayon, nais ko nang lumayo sa iyo
Oo't walang makapapalit sa iyo,
sa mga pinagsamahan natin,
Ngunit nais kong makakilala
Ng TOTOONG kaibigan.
Ngayo'y maghihiwalay na tayo ng landas
Ang minsan nating parehong mundo'y di na magkatulad
Pero sana'y malaman mo, aking pakaiingatan
mga ala-ala ng ating pagkakaibigan, kahit ito na ang katapusan.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento